Jose Rapsing (biography)

Jose Rapsing (Ka Erron)

Walang lapida o dili kaya’y puntod na nagpapagunita sa kanyang kinalugmukan. Sinipsip na ng mga  pananim ang dugong kanyang idinilig sa lupa. Ang masang minahal niya nang higit sa kanyang buhay ay hindi nakakalimot. Madalas, makikitang naghuhulog ng kanilang pinagpagurang barya ang mga taumbaryo sa kanyang kinasawian. Payak, ngunit dalisay na pag-alala ng mga dukha sadakilang pag-alay niya ng buhay para sa kanila.

Iilang halaman lamang ang kayang mabuhay sa tuyot na lupa ng kalakhan ng isla ng Masbate. Angmga pananim na ito ay buong tatag na sumisibol, lumalago at tumutugon sa mga pangangailanganng malawak na masang Masbatenyo.

Barangay Bulo, Masbate City, ang lugar na tinubuan ni Kasamang Jose Rapsing. Nabuhay siya sagitna ng kasalatang kumikitil sa mga tulad niyang maralita. Dagdag na pasanin sa kasama angkapansanang pungit ang itaas niyang labi. Ngunit hindi siya nagpatalo sa ganitong mga kahirapan.

Sa murang edad na kinse anyos ay nagtrabaho siya sa isang piggery. Nang sapat na ang kanyangnaipon, pinaayos niya ang kanyang kapansanan.

Taong 1988, bumalik siya sa kanilang lugar. Dito ay nalaman niya ang sanhi ng kahirapang bumabansot sa pag-unlad ng mga tulad niyang anakpawis. Dito na rin naitanim sa kanya ang binhi ng rebolusyonaryong pakikibaka ng masa.

Pumaloob si Jose sa saligang organisasyong masa sa kanilang baryo. Aktibo siyang kumilos upangbakahin ang mga pagsasamantala at pang-aapi sa hanay nilang magsasaka. Isang taon pagkataposnito, nagpasya siyang sumampa sa Bagong Hukbong Bayan. Nakilala siya bilang si Ka Erron.

Ang punla ng makauring pananaw ay lumago sa kanyang paninindigang pagsilbihan ang masa ng kanyang buong lakas at husay. Kahanga-hanga ang kanyang pagpursigeng matutong magbasa at magsulat, sa pag-agapay ng mga kasama. Ang bawat bunga ng kanyang pagsisikap na magpakahusay sa gawain ay taos-puso niyang ihinandog sa malawak na masang pinagkaitan ng kanilang karapatan at kalayaan.

Matapos ang anim na buwang tuluy-tuloy na pagkilos, direkta na siyang ipinaloob sa istap ng Komite ng Partido sa probinsya. May dumaan ding malakas na ihip ng hanging nagtangkang magpayuko sa kasama. Dinamdam niya ang pagputol ng kanyang naging karelasyon sa kanilang ugnayan kahit walang malinaw na dahilan. Ngunit hindi naging mabuway ang tindig sa rebolusyon ni Ka Erron. Tanging winika niya, “Kaya ko itong pangibabawan. Ang tao ang dapat magdala sa problema at hindi ang problema ang magdadala sa tao.”

Sa isang idinaos na kasal ng dalawang kasama noong 1991, itinalaga siyang mangasiwa sa  gawaing kusina. Dahil sa kulang ang mga sangkap na gagamitin sa pagluto, ipinasya niyang tingnan  ang suplay sa labas ng pansamantalang himpilan ng mga kasama. Sa may di kalayuan, nasalubong siya ng mga militar.

Wala na siyang pagkakataong tumakas. Hindi mabilang na mga suntok at pahirap ang tinamo ng kasama. Pilit siyang pinapaamin kung saan ang kampuhan ng hukbo. “Dito sa amin, ang nahuhuli ay di nagbibigay ng impormasyon. Patayin n’yo na lang ako,” ang matapang na sagot ni Ka Erron.

Sa bawat bigwas ng mga pasista, tinangkang bunutin si Ka Erron sa kanyang malalim na pagkaka-ugat sa rebolusyon. Ngunit wala siyang binitawang salita na maaaring magpahamak sa mgakasamang nasa malapit lamang at walang alam sa nangyayari. Sinalpakan ng lata ng sardinas angkanyang bibig at siya’y pinagbabaril. Hindi pa nagkasya ang mga berdugo, ihinulog mula sa lumilipad na helikopter ang kanyang bangkay.

“Kahit pitong beses pa akong patayin ng mga kaaway, babangon ako at ipagpapatuloy ang laban.Sakali mang mamatay ako sa labanan ay may pito at lampas pang mga naghihirap at inaapi napapalit sa akin para ipagpatuloy ang rebolusyon.” Ito ang mga salitang naikintal sa isipan ng mga
kasama na laging sinasabi ni Ka Erron.

Ang dugong tumagas mula sa kasama ay kasabay ng dugo ng ilampung rebolusyonaryong martir nasumagipsip sa lupang tigang ng Masbate. Mula rito ay maraming bagong sibol na mga kasamangnagpapatotoo sa panata ni Ka Erron.

Buong karangalang tinatanganan ng pamprubinsyang kumand ng Bagong Hukbong Bayan sa Masbate ang marangal na alaala at pangalan ni Kasamang Jose Rapsing.

http://jrcbicol.files.wordpress.com/2011/04/download-jose-rapsing-biography.pdf

No comments:

Post a Comment