Tuesday, September 19, 2017

Papanagutin ang 2nd IB,PA sa dumaraming biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa probinsya ng Masbate

Pahayag sa Midya
Setyembre 18, 2017

Nais ilinaw ng Jose Rapsing Command – BHB Masbate ang lumabas na balita sa mass media at maging sa social media na kagagawan di umano ng NPA ang nangyaring pamamaril sa isang 15 anyos na estudyante noong Septyembre 16, 2017 bandang alas 4:30 ng hapon sa Brgy. Libertad, Cawayan, Masbate 

Para sa kaalaman ng lahat ay walang kinalaman ang anumang yunit ng mga pulang mandirigma sa insidenteng nabanggit at ito ay malinaw na cover up ng mga sundalo ng 2nd IBPA para mapagtakpan ang kanilang ginawang paglapastangan sa mga taong baryo ng Brgy. Libertad at para ilihis ang totoong pangyayari. 

Ayon sa mga nakasaksi noong Setyembre 16, 2017, habang nagpapahinga ang mga lasing na sundalo sa ilalim ng 3rd Platoon, Alpha Coy, 2nd IBPA sa pamumuno ng isang Banaloyos mula sa dinaluhan nitong family fiesta nang matumba mula sa pagkakasandal ang baril ng isang sundalo na naging sanhi ng pagputok nito. Dahil sa lasing at pagkapahiya sa mga taong nandun ay galit nitong iwinasiwas at pinaputok ang baril sa direksyon ng mga naglalaro ng basketball sa kalapit na plasa. 

Dito na tinamaan ang 15 anyos at estudyanteng si Vincent Jaylord Veracis Pequiro na agarang namatay at pagkasugat sa isa pa na si Remark Vergara, 23 anyos. 

Isang kasinungalingan din ang sabihin ng mga sundalo na kaya sila nasa baryo ay dahil sa nag aayos sila ng day care center habang ang totoo nito ay dumalo sila sa family reunion ng pamilya Bordaje na kapamilya ng isa nilang kasamahan na si Ondo Bordaje. 

Una dito noong Septyembre 12, 2017 ay pilit na tinipon ng isa pang grupo ng 2nd IBPA ang mamamayan ng Brgy. Balantay, Dimasalang para gawing human shield habang nakatambay sa sentro ng baryo at kinuha sina Taruc Bailon at Bonog Villamor habang nag-aararo. Kinaumagahan na ng Sept. 13 ito pinakawalan at muli nilang kinuha ang dalawa noong Septyembre 15 at pinilit gawing giya sa kanilang operasyon. 

Si Vincent Jaylord ay pangatlong napapatay na mga bata ng mga sundalo ng 2nd IBPA. Ang 2nd IBPA din ang pumatay sa dalawang magkapatid na taga Brgy. Panan-awan, Cawayan, Masbate. 

Nananawagan ang JRC-BHB Masbate sa mamamayang Masbatenyo na magkaisa, magtulungan at labanan ang tumitinding atake sa mamamayan ng pasista at mersenaryong AFP, PNP, Paramilitar ng rehimeng US-Duterte sa balangkas ng Oplan Kapayapaan na hango sa Counter Insurgency Guide ng Imperyalistang Estados Unidos.

Isulong ang digmaang bayan para sa tunay na pagbabago ng lipunang Pilipino.

LUZ DEL MAR
Tagapagsurmaton
JRC-BHB Masbate

No comments:

Post a Comment