Thursday, November 27, 2014

Matagumpay na mga taktikal na opensiba ng BHB-Masbate sa ilalim ng Jose Rapsing Command(JRC)

Logo.bhb

Luz del Mar
Public Information Officer
NPA Masbate Provincial Operations Command (Jose Rapsing Command)


Sunod-sunod na mga taktikal na opensiba ang inilunsad sa lalawigan ng Masbate ng mga kasapi ng Jose Rapsing Command, JRC-BHB, Masbate laban sa 93rd DRC, 9th IB, PA, para-militar na grupo at mga masasamang elemento sa mga isla ng Burias at Ticao. Lahat ito ay nasa unang distrito ng Masbate.
Ang nasabing taktikal na opensiba ay nakapagsamsam ng mahigit 22 iba’t-ibang uri ng baril, mga magasin ng bala, at mga kagamitang militar.

Nob. 9, 2014 – Burias Is. – reyd sa mga kabahayan ng pamilya Ballesteros sa Brgy. Mabiton, Claveria. Nakuha dito ang 1 M16, 4 na cal.45, 1 SAS12, isang Shotgun, 2 cal.38, 1 cal.22 long barrel, isang 32 cal. at 2 cal.22 short. Ang mga baril na ito ay ginagamit laban sa mga tao at kilusan.

Nob.19, 2014, 6:30 ng umaga – raid sa bahay ni Brgy. Capt. Benny Capinig ng Brgy. Boca Engano, Claveria. Nasamsam dito ang 1 Shotgun at cal. 45. Ginagamit ni Brgy. Capt. Capinig ang mga baril sa kanyang mga iligal na negosyo, partikular na ang illegal drugs.

Nov. 22, 2014, alas 8:30 ng umaga – hinaras ng isang team ng Jose Rapsing Command, JRC,BHB ang 60 kataong 93rd DRC at 9th IB,PA na halos isang buwan nang nag-ookupa at nag-ooperasyon sa So. Guiwanon, Brgy. Danao, San Jacinto, Masbate at mga karatig barangay. Ang grupong ito ang bumaril at nakasugat sa tatlong katao na kinabibilangan ni Brgy. Kgwd. Maritess Espenilla ng Danao, San Jacinto, Masbate.

Ang haras na ito ay nagresulta sa pagkamatay ng tatlong militar at pagkasugat ng 3 pa na sadyang itinatago ng militar.

Nob. 24, 2014, alas 5:15 ng umaga – raid sa compound ni Nonie Jimenez sa Brgy. Macahoy, San Pascual, Burias Is. Si Jimenez na isang despotikong rantsero sa lugar ay nag-aalaga ng mga armadong grupo na siyang ginagamit laban sa mga tao at kilusan.

Tumagal ng halos 10 minuto ang barilan ng manlaban ang isang tauhan nito habang sumuko naman sa mga kasama ang mga kasamahan nito.

Nakasamsam ang mga kasama ng 1 M16 na may scope, bandolier na may 11 long magasin at mga bala nito, isang M14 na may scope at bandolier na naglalaman ng 15 magasin na puno ng bala, 1 Shotgun at 25 bala, 3 handheld radios, isang cal.22 long barrel na may scope at dalawang magasin at mga bala, 1 cal.38, 1 hammock, 1 backpack, 2 pares ng combat shoes at 2 pares na uniporme ng militar.

Ang lahat ng mga nasamsam ay ginagamit ng grupo ni Nonie Jimenez laban sa mga magsasaka sa paligid ng kanyang rancho at sa kilusan.

Nananawagan ang JRC,BHB-Masbate sa mga Masbatenyo na magkaisa at magtulongan upang labanan ang mga masasamang elemento at mga pang-aabusong militar sa lalawigan ng Masbate na bumibiktima sa mga Masbatenyo. Sa mga may baril naman ay huwag niyong gamitin sa masasamang gawain at lalong huwag niyong gamitin laban sa kilusan, at kung handa naman kayo ay ibigay niyo na lang sa kilusan para magamit sa pagtatanggol sa mga inaapi at pinagsasamantalahang mga Masbatenyo laban sa mapang-api at mapagsamantalang uri sa lipunan.

No comments:

Post a Comment