Monday, March 26, 2012

Pinakahuling mga Pangyayari sa Masbate

Marso 19, 2012
Dalawang sundalo ang patay at sugatan ang iba pa nilang kasamahang sundalo na kasapi ng Alpha Company ng 9th Infantry Battalion at 93rd Division Reconnaissance Company (DRC) nang sila-sila ang mag-engkwentro sa Sityo Balunos, Bgy. Rizal, Dimasalang, Masbate nitong Marso 19 bandang alas-10 ng umaga.
Bago ang pangyayari, isang tim ng BHB ang nag-aabang sa mga nag-ooperasyong sundalo upang pasabugan ito ng command-detonated na landmine nang makita sila ng impormer ng militar na nakalapit sa kanila. Agad na umalis ang tim ng BHB upang lumipat ng pwesto.
Halos magkakasabay na inatake ng tatlong kolum ng nag-ooperasyong
sundalo ang mataas na lugar sa pag - aakalang naroon pa ang mga pulang
mandirigma. Umabot ng 30 minuto ang putukan sa pagitan ng mga pasistang sundalo bago nila nalaman na sila-sila na ang naglalabanan.
Upang mailihim sa mga taumbaryo ang kanilang kapalpakan naghintay munang dumilim ang mga sundalo bago kinuha ang kanilang mga patay at sugatan.
————–
Marso 10 hanggang 14, 2012
Binigo ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ang operasyong militar ng tatlong platun ng 93rd Division Reconnaissance Company (DRC) ng 9th Infantry Division na naglulunsad ng Oplan Bayanihan sa bayan ng Mobo, Masbate.
Pinaputukan ng baril ng mga pulang mandirigma ang isang platun ng 93rd DRC sa Bgy. Sta. Maria bandang alas-11 ng gabi noong Marso 10 at bandang alas-4 ng madaling araw noong Marso 12. Hindi natuloy ang anti-komunistang pulong na ipinatawag ng mga sundalo sa Bgy. Holhogon, Mobo noong Marso 13 nang paputukan ng mga pulang mandirigma ang
mga sundalo. Napilitang umalis ang mga sundalo at umuwi sa kanilang kampo noong Marso 14.
Nililinlang ng mga sundalo ang mamamayan sa mga anti-komunistang
pulong sa pamamagitan ng mga kontra- rebolusyonaryong propaganda, paglalako ng proyektong PAMANA, at pagrirekrut ng mga kasapi ng CAFGU.
===================
Pebrero 28, 2012
Pinasabugan ng command-detonated na landmine ng isang tim ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate ang isang trak na puno ng sundalo ng 9th Infantry Battalion sa Bgy. Cabangrayan, Pio V. Corpuz, Masbate noong Pebrero 28, dakong alas-4 ng hapon.
Galing sa kanilang kampo sa Bgy. Armenia, Uson ang mga sundalo at
patungo sa bayan ng Pio V. Corpuz upang magsagawa ng operasyong militar nang mahagip ng pagsabog ng command- detonated landmine. Limang sundalo ang namatay at marami ang sugatan.
================
Enero 28, 2012
Pinasabugan ng command-detonated na landmine ng mga pulang mandirigma ang hedkwarter ng Charlie Company ng 9th Infantry Battalion sa Bgy. Pawican, Cataingan, Masbate noong Enero 28, 2012 dakong alas-3 ng madaling araw,
Lihim na nakalapit sa kampo ang mga pulang mandirigma at pinasabog ang
dala-dalang command-detonated na landmine. Tatlong sundalo na
nagbabantay ng kampo ang namatay.Ligtas na nakamaniobra palayo ang mga pulang mandirigma.
—————
Enero 26, 2012
Hinaras ng mga pulang mandirigma ang detatsment ng Regional Public Safety Battalion ng PNP (dating RMG) at CAFGU sa Bgy. Poblacion, Batuan, Masbate noong Enero 26, 2012 ng gabi.
Maghahatinggabi na nang palihim na gapangin ng mga pulang mandirigma ang detatsment at pinasabugan ito ng command-detonated na landmine. Ligtas na nakamaniobra palayo ang mga pulang mandirigma.
—————-
Enero 25, 2012 
Pinarusahan ng isang tim ng mga pulang mandirigma ng Jose Rapsing Command ng BHB-Masbate ang isang masugid na impormer ng militar sa Bgy. Bagacay, San Jacinto, Masbate noong Enero 25, 2012. Si Armando Malana ay aktibo sa  paniniktik sa aktibidad ng mamamayan sa
baryo at sa pagsubaybay sa kilos ng BHB sa lugar. Isa rin itong pusakal na
tulisan na kinamumuhian ng mga taumbaryo.
————–

No comments:

Post a Comment